-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Suspendido ang isang konsehal sa bayan ng Banga, South Cotabato matapos mabunyag na benepisaryo ito ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps program ng gobyerno.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Koronadal ni Barangay Kapitan Elpedio Patarata ng Barangay San Vicente sa nabanggit na bayan.

Kinilala ang konsehal na si Brgy. Kagawad Dexter Donasco na nagsilbing konsehal ng barangay simula pa noong 2013 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Kapitan Patarata, 2009 pa benepisaryo na ang nabanggit na konsehal kaya’t noong nanalo itong konsehal ay pinuntahan na ito ng DSWD screening committee upang i-wave ang pagiging myembro ng 4Ps ngunit hindi niya ito ginawa.

Hanggang sa kasalukuyan ay tumatanggap pa rin ng benepisyo mula sa programa ng gobyerno ang nabanggit na opisyal ng barangay.

Dahil sa hindi pagsunod ni Donasco sa hiling na i-waive nito ang kanyang benepisyo ay sinampahan ito ng kasong administratibo sa Ombudsman ng mismong Kapitan ng barangay.

Maliban dito, nagsumite rin ng resolusyon ang Barangay Council sa Sangguniang Bayan ng Banga at nitong buwan ng Hulyo lamang nagpalabas ang Quasi-Judicial body ng 19th Sanggunian ng desisyon na na nagsususpende sa loob ng dalawang buwan sa konsehal.

Napatunayan umano na nilabag ni Nolasco ang letter a and c ng section.4 on Norms and Conduct of Public Officials and Employess of RA 6713 and overtly committing Gross Dishonesty provided letter c, Section 60 Chapter 4 book 1 of Local Government Code of 1991 o RA 7160.

Nanindigan naman si Kapitan Patarata na kahit kamag-anak nito ang konsehal ay hindi umano siya nag-alang2 na sampahan ito ng kaso sa Ombudsman.

Kasabay nito, nanawagan ang opisyal ng Barngay kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na linisin ang listahan ng mga benepisaryo ng 4Ps dahil marami umanong hindi qualified.