-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang komediyanteng si K Brosas dahil sa pagpanaw ng kaniyang ina.

Sa social media account nito ay nagpost siya ng larawan na kasama ang ina.

Ilan sa mga larawan mula 2019 ay ibinahagi nito habang sila ay nasa Italy kung saan sila nakatira.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa actress mula sa malapit na kaibigan nito sa showbiz industry.