-- Advertisements --

Tumaas ang koleksiyon ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund sa unang anim na buwan ng taong 2021 sa kabila ng naranasang pandemya.

Sinabi ni Pag-IBIG Fund spokesperson Kalin Franco-Garcia na tumaas sa 13 million ang aktibong miyembro sa ahensiya mula sa 12 million noong katapusan ng taong 2020.

Indikasyon aniya ito na unti-unting makakabangon ang bansa sa epekto ng pandemya dahil dahil unti-unti na ring dumadami ang naghuhulog sa PAG-IBIG Fund.

Umabot aniya sa P13 billion ang kontribusyon sa voluntary savings program mula Enero hanggang Hunyo 2021, na mas mataas ng 113 porsiyento kumpara sa koleksyon noong nakalipas na taon.