-- Advertisements --

Nanatiling heavy favorite na magkampeon sa NBA Finals ang New York Knicks laban sa San Antonio Spurs.

Magugunitang binura ng Spurs ang pangarap ng Oklahoma City Thunder na makuha ang back-to-back championships na ang huling koponan na nakapagtala nito ay ang Golden State Warriors noong 2017 at 2018.

Ito rin ang unang pagkakataon ng Spurs na makabalik sa finals mula noong ika-limang kampeonato ng kanilang prankisa noong taong 2014.

Habang ang Knicks ay na-sweep ang 4-0 kontra Cleveland Cavaliers para makamit ang Eastern Conference Finals.

Sa tatlong pagkakataon nagkaharap ang dalawang koponan sa ngayong regular season ay mayroong dalawang panalo ang Knicks.

Una ay noong Disyembre 16 kungsaan tinalo nila ang Spurs sa score na 124-113 habang bumawi ang Spurs noong Disyembre 31 at nakuha ng Spurs ang panalo 134-132.

Huling nagharap ang dalawa ay noong Marso 1 ngayong taon kung saan tinambakan ng Knicks ang Spurs sa score na 114-89.

Pinaghahanda ng Spurs ang pisikalan na laro laban sa Knicks kung saan ilan sa mga manlalaro ng New York na maaring bumandera ay sina Karl-Anthony Towns, OG Anunoby at Mitchell Robinson.

Magsisimula ang laban ng dalawang sa Hunyo 4 ng alas 9 ng umaga.