Muling tinalo ng New York Knicks ang Cleveland Cavaliers sa ikatlong pagkakataon, matapos magharap ang mga ito kaninang umaga, sa score na 102 – 93.
Bagaman nalimitahan lamang ang best scorer ng Knicks sa 7 points at 2 rebounds, nagsanib-pwersa naman ang dalawang player ng Knicks na sina RJ Barrett at Jalen Brunson. Si Brunson ay kumamada ng 29 Points habang si Barrett ay nag-ambag ng 26 points.
Para sa Cavaliers, maganda ang naging team effort ng mga ito matapos mag-ambagan ng double-digit scores ang anim nitong players ngunit kinulang pa rin ito para talunin ang Knicks.
Pinangunahan ni Darius Garland ang Cavs sa kanyang 23 Points at 10 rebounds double-double.
Dahil dito hawak ng Knicks ang lead sa kanilang kartadang 3-1.
Balik na sa homecourt ng Cavaliers ang Do-or-Die na Game 5 sa pagitan ng dalawang team