-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagtulungan ang mga residente ng Barangay Old Bulatukan Makilala Cotabato na patayin ang makamandag na banakon o King Cobra.
Unang namataan ang malaking King Cobra malapit sa kabahayan ng Brgy Old Bulatukan sa bayan ng Makilala.
Nagtulungan ang mga kalalakihan at pinatay nila ang makamandag na banakon.
Ayon kay Mang Cesar sobrang laki at napakahaba ng ahas kung ihambing sa mga napatay nila noon na king cobra.
Matatandaan na maraming mga residente na sa probinsya ng Cotabato ang nasawi dahil sa kagat ng king cobra.










