-- Advertisements --

Dinala na sa London hospital si King Charles III para ipagamot ang paglaki ng kaniyang prostate.

Ayon sa Buckingham Palace na dumating ang 75-anyos na si King Charles dahil sa naka-scheduled na gamutan.

Pinasalamatan din nito ang lahat ng mga nagparating ng kanilang well wishers para sa agarang paggaling nito.

Sinamahan siy ng kaniyang asawang si Queen Camilla sa pagamutan.

Ang London Hospital ay siya ring pagamutan kung saan dinala noong nakaraang linggo si Catherine ang Princess of Wales para sa abdonminal surgery.