-- Advertisements --

Hindi makakadalo si King Charles III sa United Nations Climate Summit na gaganapin sa susunod na buwan sa Egypt.

Kinumpirma ito ng Buckingham Palace kung saan hindi na matutuloy ang talumpati nito sa nasabing okasyon na gaganpin mula Nobyembre 6 hanggang 18.

Noong nakaraang taon kasi ay nagtalaumpati ang namayapang Queen Elizabeth II.

Tumanggi namang sagutin ng kampo ni King Charless II na kumpirmahin na kaya hindi ito dadalo ay dahil sa hindi ito inaprubahan ng bagong British Prime Minister Liz Truss.