-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki matapos na batuhin ng itlog si King Charles III at asawa nitong Queen Consort Camilla.

Naganap ang insidente ng bumisita ang Royal King sa northern England kung saan naiwasan nila ang tatlong itlog na ibinato sa kanila.

Matapos nito ay itinuloy ni King Charles III at asawa nito ang dinaluhang aktibidad sa lugar.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang 23-anyos na lalaki dahil sa ginawa nitong pagbabato ng itlog sa monarch King.