-- Advertisements --

Nasa mahigit 1,000 katao ang nagtipon-tipon sa central Istanbul, Turkiye para magsagawa ng kilos protesta laban sa US at Israel.

Inorganisa ng ilang religious conservative NGO ay nagrally sila laban sa patuloy na giyera sa Iran, Lebanon at Palestine.

Kinondina ang ginagawang pag-atake ng US at Israel sa Iran ganun din ang pagpapasara ng Israel ng Al-Aqsa Mosque.

Nananawagan ang mga ito ng pagtigil na ng giyera dahil lumalawak ang pinsala lalo sa mga katabing bansa ng Iran.

Naging mapayapa naman ang kilos-protesta kung saan ito ay binantayan ng mga otoridad sa lugar.