-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang US Youtuber na si Technoblade sa edad 23.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagpost ng video sa kanilang social media.

Ang US internet personality ay nakilala sa pamamagitan ng pag-live stream habang naglalaro ng Minecraft.

Mayroong mahigit 10 milyong followers ito sa social media.

Noong nakaraang taon kasi ay ibinunyag nito na siya ay na-diagnosed ng cancer.

Unang inakala niya na nakuha lamang niya ang stress dahil sa labis na paglalaro ng onlince gaming hanggang mamamaga ang kaniyang braso.

Dito nadiskubre ng mag-pa-check up sa doctor an siya ay may cancer.

Nagpapaabot naman ng pakikiramay at nag-alay ng tribute ang kapwa nitong mga gamers.