-- Advertisements --
Naghain na ng kaniyang retirement ang kilalang NBA referee na si Eric Lewis.
Nangyari ang pagreretiro niya matapos na siya ay imbestigahan ng NBA dahil sa social activity nito.
Inakusahan kasi siya na gumawa ng dummy account sa Twitter para batikusin ang mga fans na pumumuna sa mga desisyon ng referee.
Ang 52-anyos na si Lewis ay nagtrabaho sa 1,200 na laro sa loob ng 19 seasons.
Huling assignment nito ay noong Mayo 16 sa Game 1 ng Western Conference Finals sa pagitan ng Denver Nuggets at Los Angeles Lakers.
Si Lewis ang isa sa 12 napiling officials sa na magtrabaho sa NBA Finals habang nagsasagawa sila ng imbestigasyon.