-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang Canadian film maker at producer na si Norman Jewison sa edad 97.
Kinumpirma ito ng kaniyang publicist na si Jeff Sanderson subalit hindi nagbigay pa ng anumang detalye.
Nakilala ang three-time Oscar nominee sa mga pelikulang “Moonstruck”, “In The Heat Of The Night” at “Fiddler on the Roof”.
Ang mga pelikula nito ay nakatanggap ng 46 Academy Award nominations at nagwagi ng 12 Oscars.
Noong 1999 ay nakatanggap ito ng lifetime achievement award mula sa Academy of Motion Pictures Arts and Sciences ng America.