LA UNION – Isinagawa ng Department of Health katuwang ang National Task Force Against Covid 19 at iba pang ahensya ang kick off ng nationwide Measles, Rubella, and Oral Polio Vaccine Supplemental Immuninzation Activity sa San Fernando City, La Union.
Katuwang din ng DOH at iba pang partner agencies na Worl Health Organization at United Nations Children’s Fund ay magpapatupad ng dalawang phases upang maiwasan ang outbreak ng measles sa susunod na mga buwan at maihinto ang patuloy na poliovirus transmission at re-circulation sa bansa.
Ang Phase 2 ay gaganapin sa February 2021 sa Visayas Region, National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley Region, MIMAROPA Region at Bicol Region kung saan target na mabakunahan ang mga batang 9-59 months para sa Measles-Rubella vaccine ng 95% at bivalent Oral Polio vaccine sa mga batang 0-59 months.
Inaanyayahan rin ng DOH ang mga magulang na isama ang mga anak nilang edad 5 anyos pababa sa pinakamalapit na Health Center, Barangay Health Center o sa mga temporaryong vaccination post sa araw ng Lunes.
Maliban dito, suportado naman ni La Union Governor Francisco “Pacoy” Ortega ang nasabing hakbang at hinikayat ang mga magulag na pabakunahan ang mga anak.
Samantala, umabot naman sa 40 na mga bata ang nabakunakan sa launching ngayon araw.
Inaasahan naman na magsasagawa ng karagdagang bakunation sa iba pang lugar sa lalawigan.