-- Advertisements --

Ibinunyag ng reality star Khloe Kardashian na naging COVID-19 survivor nito.

Nangyari ito noong nakaraang mga buwan kung saan tinawagan ng kaniyang ina na si Kris Jenner ang mga doctor na kakilala.

Kuwento nito na nag-quarantine ito ng ilang araw sa kaniyang kuwarto.

Natakot pa aniya ito dahil sa matinding sintomas na naramdaman gaya ng pagsusuka, panginginig ng katawan at nakakaranas ng paglamig sa buong katawan.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakasaksi ng pagkakaroon ng nakakamatay na virus dahil noong Hulyo ay ipinagtapat ni Kanye West na dinapuan ito ng virus.

Dahil dito ay pinayuhan niya ang mga fans na pag-ibayuhin ang pag-iingat.