-- Advertisements --
Tiniyak ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr na magiging mas agresibo ang mga ito sa pagdepensa ng kanilang titulo.
Sinabi pa ni Kerr na base sa kaniyang karanasan na kapag ang isang koponan ay nagkampeon ay magiging mas matindi ang nasabing koponan.
Aminado ito na naging mahirap sa kanila na makuha ang three-peat noong 2019.
Mas magiging kasabik-sabik aniya ang ikalawang taon dahil sa nakatuon ang kanilang atensiyon sa pagkuha muli ng kampeonato.