-- Advertisements --

Patuloy na ang paggaling ni KC Concepcion matapos na magpositibo ito sa COVID-19.

Sa kaniyang social media account sinabi ng actress na nakakagalaw na siya at nakakalakad matapos magpositibo sa nasabing virus nitong Mayo 6.

Dagdag pa nito na dahil sa nasabing virus ay humina ang kaniyang kaliwang kamay at binti.

Bagamat mayroon pa itong kaunting ubot ay nakakagalaw na siya hindi katulad noong mga unang araw na ito ay nagpositibo sa virus.

Hinikayat niya ang mga fans at mamamayan na maging ligtas dahil kahit na umiinom siya ng mga gamot at nagsusuot ng face mask ay dinapuan pa rin siya ng virus.

Kasalukuyan itong nasa New York para sa paggawa ng internationa movie na “Asian Persuasion.