-- Advertisements --
Posibleng makabalik na ensayo si Kawhi Leonard matapos ang paggaling ng kaniyang injury sa kanang tuhod.
Ayon sa Los Angeles Clippers na nagkaroon na ng clean up procedure si Leonard at inaasahang makasama na nila ito sa kanilang training camp sa Setyembre.
Ang five time All Star ay nagtamo ng meniscus tear sa kaniyang tuhod at ito ay naoperahan at gumaling na .
Sinabi pa ni Clippers president of basketball operations Lawrence Frank na noong Hunyo 6 ng sumailalim ito sa operasyon.
Pagtitiyak nito na nasa 100 percent na ito para bago ang pagbubukas ng bagong season sa buwan ng Setyembre.