-- Advertisements --

Nakisali si British royal Kate Middleton sa paggawa ng garden bilang hakbang upang ipagpatuloy ang kanilang kampanya sa kabila ng banta ng coronavirus pandemic.

Bumisita kasi ang Duchess of Cambridge sa The Nook, isang facility malapit sa Norwich, England, upang makiisa sa fund raising na pinangangasiwaan ng Together for Short Lives charity.

“I’d like to thank the amazing staff for all the work that you do in children’s hospices around the UK,” wika ni Kate.

“The care and the nurture that you provide children and families in the most unimaginable circumstances is just awe inspiring.”

Ang naturang charity event ay para upang makalikom ng pera para sa 54 children’s hospice sa Britanya na susuporta sa mga batang may malalang kondisyon. Ito ay sa pamamagitan ng specialist nursing care, short breaks, activities, therapies, counselling at iba pa.

Kinakailangan ding ipagpatuloy ng mga hospices na ito ang kanilang serbisyo upang suportahan ang mga pamilya na nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng telepono at online dahil sa lockdown.