Patunay lamang ayon kay Vice President Leni Robredo ang kaso ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na hindi dapat ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Binigyan diin ni Robredo na dapat maresolba ang problema sa justice system sapagkat ang tunay na problema aniya ay hindi sa maraming batas na mayroon ang bansa kundi sa implementasyon ng ma ito.
Sa oras na maibalik muli ang parusang kamatayan, sinabi ni Robredo na tanging ang mga mayayaman lamang na may kakayahan na kumuha ng magagaling na abogado ang magbebenepisyo rito.
Inihalimbawa ng bise presidente sa mga nakikita niyang flaws sa justice system sa bansa ang matagal na pagkakaresolba ng mga kaso at issue ng korapsyon sa pagtatalaga ng mga hukom.
“Ang hindi ko matanggap, iyong mga nagsasabing panahon na talaga para ipasa iyong death penalty. Kasi ito nga iyong pruweba na huwag ipapasa,” ani Robredo sa isang panayam.