-- Advertisements --
pnp

Mas mababa ang naitalang kaso ng panghahalay kada araw sa bansa kumpara noong nakalipas na taon.

Batay sa report mula sa Philippine National Police (PNP), kabuuang 7,197 ang namonitor na insidente ng rape sa bansa.

Kung saan nasa 22 kaso ng panghahalay kada araw ang naitala sa bansa mula noong Enero 1 hanggang Nobyembre 13 ng kasalukuyang taon.

Karamihan sa mga rape suspects ay kadugo pa ng mga biktima kabilang ang mismong padre de pamilya, tiyuhin at iba pang kamag-anak.