-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Case closed. Ito ang inanunsyo ni Pangasinan Governor Ramon “MonMon” Guico III kaugnay sa ginagawang imbistigasyon sa pamamaslang sa tumatakbong kandidato para sa pagka-Punong Barangay sa Brgy. Bayaoas, sa bayan ng Aguilar na si Arniel Adolfo Flormata.

Sa naganap na press conference kanina sa Pangasinan Police Provincial Office na dinaluhan ng gobernador , kung saan naroroon din si Provincial Director PCol. Jeff Fanged at Provincial ComElec Officer Atty. Marino Salas , inihayag ni Guico na maikukunsiderang case close na dahil sa pagsuko ng suspek na si Jason Marquez Vicente na umamin ng partisipasyon nito sa krimen at siya rin ang nagsiwalat sa pangalan ng gunman at mastermind.

Inilahad ni Guico na sa ginawang hotpursuit operation ay nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa alleged gunman na si Kelly Doroy Rosario at Maria Magnolia Repasco Gelido na sinasabing alleged mastermind sa krimen.

Matatandaan na pinagbabaril si Flormata matapos itong maglahad ng kanyang talumpati sa ginanap na miting de avance sa naturang lugar.