-- Advertisements --
image 132

Umabot na sa 117 na kaso ng paglabag sa RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Law ang inihain ng Bureau of Customs sa Department of Justice.

Ayon kay Troy Tan, acting Chief ng Intelligence Division ng BOC, ang bilang na ito ay naitala mula 2018 hanggang 2023 at katumbas ng 347 counts ng paglabag sa naturang batas.

Magsusumite naman ng ulat ang Department of Justice sa House Committee on Agriculture and Food sa susunod na pagdinig sa February 14 ng update sa estado ng ng naturang mga kaso at kung sino ang mga nakasuhan.

Pagbibigay diin ni Quezon Rep. David Suarez, nais nilang malaman kung mayroon ba sa mga kinasuhan ang nasa listahan din ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry ng mga importers.