-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 4 million ang kaso ng COVID-19 sa US.
Base sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO) mayroon ng 4,156,412 ang naitalang kaso kung saan umaabot sa 147,108 ang nasawi.
Nagtala rin ng record ang US sa dami ng mga naospital na umaabot na sa halos 60,000 ang bilang.
Mahigit 50 pagamutan na rin ang napuno na at 15% lamang ng mga ICU beds ang maaaring gamitin ayon na rin sa pagtaya ng Agency for Health Care Administration.