-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 3 million ang bilang ng mga nadapuan ng coronavirus sa Estados Unidos.
Ang nasabing bilang ay naitala matapos na pormal na hiniling ni US President Donald Trump na umalis na sa World Heatlh Organization (WHO).
Nangunguna pa rin sa buong mundo ang US na mayroong mahigit 131,000 ang nasawi na sinundan ng Brazil na mayroong 1.7 million na kaso at mahigit 67,000 naman ang nasawi.
Nanawagan din si Trump sa mga mag-aaral na bumalik na sa kanilang paaralan kahit ng hindi tuluyang kontrolado ang pagtaas ng bilang ng virus.