-- Advertisements --

Pumalo na sa 10,506 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease(COVID-19) sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala na inilabas ng Department of Health-7 nitong araw ng Lunes, Hulyo 6.

Aabot naman sa 3, 570 ang mga nakarekober matapos ang gamutan habang nasa 408 na ang mga namatay.

Sa ngayon, mayroon ng 6,527 na aktibong kaso sa buong rehiyon.

Samantala, nangunguna pa rin ang Cebu City na may pinakamaraming naitalang kaso na umabot na sa 6,870 na sinundan naman ng probinsiya sa Cebu na aabot sa 1, 608; Mandaue City, 1,065; Lapu-Lapu City, 877; Negros at Bohol na may parehong 43 kasong naitala.

Nananatili pa ring COVID-free sa buong rehiyon ang lalawigan ng Siquijor.