
Iniulat ng Department of Health (DOH) na sumipa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa nagdaang Holy week sa gitna ng nagpapatuloy na upward trend ng impeksiyon sa sakit sa nakalipas na taing linggo.
Base sa case bulletin ng ahensiya, nakapagtala ng
1,944 cases mula noong Lunes Santo, April 3, hanggang Easter Sunday, April 9 kung saan 17 dito ay iniuri bilang severe at critical cases.
Samantala, 30 naman ang nakumpirmang namatay dahil sa virus noong nakalipas na linggo subalit wala dito ang naitala mula Marso 27 hanggang Abril 9.
Sa kabila nito, nananatili namang mababa pa rin ang hospital bed utilization kung saan nasa 16.5% non-ICU beds ang okupado at 14.8% ICU beds ang ginagamit.
Una ng iniulat ng independent monitoring group na OCTA Research Group na tumaad sa 6.5% mula sa 4.4% ang covid19 positivity rate sa NCR base sa data noong Abril 8.
Habang iginiit naman ng DOH na insignificant pa sa ngayon ang naobserbahang pagtaas ng kaso ng covid19 dahil sa mababang hospital utilization rates.










