-- Advertisements --
Umabot na sa 10,800 ang bilang ng kumprimadong kaso ng coronavirus infection sa Japan ngayong araw.
Kasama sa tally ang mga taong nagpositibo habang sumasailalim sa airport quarantine checks, health ministry officials at mga indibidwal na bumalik sa Japan sa pamamagitan ng chartered planes.
Nadagdagan naman ng 712 ang kaso na nanggaling sa Diamond Princess cruise ship. Sa ngayon ay may kabuuan na itong total na 11,522.
Nananatili namang 251 katao ang namamatay sa naturang bansa dahil sa coronavirus.
Samantala, nangunguna naman ang Tokyo sa mga prefectures na mayroong pinakamaraming kaso ng virus na pumalo na sa 3,082.
Pangalawa ang Osaka (1,211), Kanagawa (782), Chiba (682), Saitama, (664), Fukuoka (519) at Hyogo (513).