-- Advertisements --

Inanunsiyo ng actress na si Jodi Sta. Maria na annuled na ang kasal nito kay Pampi Lacson.

Sa social media account ay kinumpirma ng actress ang nasabing hiwalayan nila.

Dagdag pa nito na matapos ang 13-taon ay naaprubahan na ng Korte Suprema ang nullity ng kasal nila.

Itinuturing nito na isang pagsubok sa paniniwala kung saan nawalan pa ito ng tiwala sa Maykapal.

Pinasalamatan nito na ang mga tao na nakasama niya sa paghihiwalay sa dalawa.

Taong 2011 ng magkahiwalay ang dalawa at noong 2014 ay idineklara ng korte na “null and void” ang kasal ng dalawa.

Subalit noong 2017 ay naglabas ng desisyon ang Court of Appeals na walang sapat umano na ebidensiya para ipawalang-bisa ang kasal ng dalawa.