-- Advertisements --
image 44

Iniulat ng Department of Migrant Workers na ilan na lamang sa mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan sa airspace shutdown na naranasan noong araw ng bagiong taon ang kasalukuyang nag-aantay ng kanilang flights.

Ayon kay Department of Migrant Workers Undersecretary Hans Cacdac, nasa 3,000 OFWs na ang kanilang natulungang makapag-rebook ng kanilang flights.

Sa ngayon wala na aniya silang nakikitang isyu sa rebooking ng flights.

Ilan sa mga nakapag-rebook ay nakaalis na sa bansa subalit may ilan na lamang na nag-aantay sa kanilang rebooked flights sa Enero 6 at 7.

Tiniyak naman ng ahensiya ang patuloy na pagbibigay ng accommodation sa mga apektadong OFWs hanggang sa makabiyahe ang mga ito patungo sa kanilang pinagtratrabahuang bansa.