-- Advertisements --
image 99

Nakapagtala na naman ang Department of Health (DOH) ng mahigit 1,000 kaso ng Coronavirus disease 109 (COVID-19) sa bansa sa ikalawang sunod na araw.

Ayon sa health department, ang bagong kaso ng nakamamatay na virus ay 1,267 habang ang kabuuang bilang naman ng active cases ay 16,526.

Maging ang active case tally ay tumaas din sa 16,526 mula sa dating 15,989.

Ang nationwide tally ay papalo na sa 4,014,039.

Pero ang bilang naman ng recoveries ay pumalo na sa 3,933,184 matapos madagdagan ng 627.

Pito naman ang naidagdag na namatay kaya ang death tally ay nasa 64,329 na.

Samantala, kabilang sa mga rehiyon na mayroong pinakamaraming bilang ng kaso ng covid sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region (NCR) na mayroong 2,925 cases.

Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 1,716, Western Visayas na mayroong 1,332, Central Luzon na may 992 at Davao Region na mayroong 919.