-- Advertisements --

Nakabalik na sa Pilipinas ang 317 overseas Filipino workers (OFW) sakay ng special chartered flight mula Beirut, Lebanon.

Batay sa kumpirmasyon ng Office of the Presidential Assistant on Foreign Affairs, ito na ang ikalimang chartered repatriation flight mula Lebanon simula noong Hunyo.

Aabot naman ng 2,596 na mga Pinoy sa Lebanon ang napauwi na rin sa bansa simula noong Disyembre 2019.

Ang misyon na ito ay alinsunod na rin umano sa utos ni Preisdent Rodrigo Duterte matapos ang kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly noong nakaraang linggo.