-- Advertisements --

Karagdagang 3.5 million doses pa ng Sinovac Coronavirus Disease (COVID) vaccine na binili ng pamahalaan ang dumating sa Pilipinas.

Ang 3,530,400 vaccine doses ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 pasado alas-7:00 kaninang umaga.

Sa pagdating ng mga bakuna, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na nawa’y makatulong ito sa maagang pagbangon ng ekonomiya at social life sa bansa.

Binati nito ang pamahalaan ng Pilipinas dahil sa pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.

Nagpasalamat naman si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa Chinese government para sa mga dumating na bakuna.

Aabot na rin kasi aniya sa 54 million doses ng Sinovac ang natanggap ng Pilipinas, kabilang na ang 2 million doses na bigay ng Chinese government.