-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang 677,430 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Pasado alas-9 ng gabi nitong Huwebes Setyembre 23 ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinalubong ng mga opisyal ng Department of Health ang nasabing bakuna na binili ng gobyerno.

Dadalhin ang 92,430 doses ng nasabing mga bakuna sa lungsod ng Davao.

Ito na ang pangatalong shipment ng nasabing bakuna ngayong linggo dahil noong Lunes ay dumating ang 516,000 doses at mayroong 940,000 na doses ang dumating nitong Miyerkules ng gabi.

Sa kabuuan ay mayroong mahigit 65 milyon na bakuna ang natanggap na ng bansa na halos 14 milyon dito ang natanggap ngayong buwan lamang.