-- Advertisements --

CEBU – Binigyan ng 24 oras na ultimatum ng Cebu City Government ang kapitan ng Barangay Basak San Nicolas at ang mga opisyal nito upang magpaliwanag kaugnay sa nangyari noong Sabado ng gabi matapos nagsagawa ng prusisyon para sa piyesta ng mga residente sa isang sitio.

Tinuturong paglabag sa guidelines ng ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ) status sa Lungsod ng Cebu ang ginawa ng mga taga-Sitio Alumnos na nagprusisyon gayong ipinagbabawal ang mass gathering.

Kaugnay nito, inutusan na ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang City Legal Office sa pamamagitan ni City Atty. Rey Gealon na siyang manguna sa imbestigasyon.

Napag-alaman na inilabas na ang show cause order kay Barangay Basak San Nicolas Kapitan Norman Navarro kasama na ang Sangguniang Pambarangay members nito hinggil sa insidente.

Una nito nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group sa pangyayari.