TACLOBAN CITY – Patay sa loob mismo ng kanyang bahay ang isang punong barangay sa Northern Samar matapos barilin ng apat na hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan.
Kinilala ang biktima na si Carmelito Baluyot, 51-anyos na kapitan ng Barangay Rumbang, Lao-ang sa Northern Samar.
Ayon kay Pol. Lt. Nelson Lapeseros, hepe ng Lao-ang Municipal Police Station, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay nasa loob ng kanyang tindahan ang kapitan at habang may bumibili ay biglang dumating ang mga armadong sakay ng dalawang motorsiklo.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at ulo si Kapitan Baluyot na nagresulta sa agad na pagkamatay nito.
Sa ngayon ay tinitingnan ng mga kapulisan ang lahat ng anggulo kung nakatanggap ba itong death threat bago mangyari ang insidente o kung ito ba ay may kaugnayan sa politika.
Kamakailan lang nang isang kapitan din mula naman sa Hilongos, Leyte, ang binaril.