Umapela ang kapatid ni Pia Wurtzbach na tigilan na ang pagpapahayag ng mga “hate” comments laban sa 2015 Miss Universe.
Pahayag ito ni Sarah Wurtzbach, ilang araw matapos bulabugin ang online world dahil sa mga patutsada nito sa kanyang ate Pia.
Ayon sa nakababatang Wurtzbach, nakakaramdam pa rin siya ng galit pero hindi rin makakatulong sa sitwasyon ang paggatong pa ng publiko.
Kasabay nito ay humingi rin ng paumanhin ang 28-anyos na si Sarah pero giit na hindi intensyon na sumikat.
I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you. I don’t want fame or be acknowledged by others or money or things. I really just want a hug. I feel so alone every day.”
Sa panig naman ng kampo ng ng 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, naniniwala ang mga ito na maaayos ang namuong gusot sa kapatid.
“This is a family matter so we respect their privacy. We pray for a peaceful reconciliation and healing for all concerned. Thank you!” saad ng business manager ni Pia na si Rikka Fernandez sa push.
Nabatid na “absent” ang pangatlong Pinay Miss Universe sa kinatatampukang online live pageant talk show na umeere tuwing Martes.