-- Advertisements --

NAGA CITY – Nagdesisyon na rin ang provincial government ng Camarines Sur na huwag munang ituloy ang taunang Kaogma Festival.

Sa ipinaabot na impormasyon ni Camarines Sur Governor “Migz” Villafuerte, sinabi nitong ito ay base sa mga impormasyon at abiso na ipinalalabas ng Department of Health kung saan patuloy sa paglobo ang mga nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Tiniyak naman ni Villafuerte na ginagawa ng provincial government ang lahat ng preventive measures para maiwasan ang local transmission ng COVID-19 sa lalawigan.

Nanawagan ito sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad at sumunod sa mga pinapatupad na kautusan laban sa nasabing sakit.

Ang naturang annual founding anniversary ng CamSur ay nakatakda sanang simulan sa Mayo 23 hanggang 31, 2020.