-- Advertisements --
Muling nanguna ang kanta nina Ariana Grande at Canadian singer na si The Weeknd na “Die For You” sa Billboard Hot 100 chart.
Nasa pangalawang puwesto naman ang kantang “Flowers” ni Miley Cyrus habang pumangatlo ang kantang “Kill Bill” ni SZA.
Ayon sa Billboard na ang kantang “Die For You” ay nagtala ng 811 million radio airplay audience impressions, 32.4 milyon streams at nakabenta ng 14,000 mula Pebrereo 24 hanggang Marso 2.
Ito na nag pangpito sa kanilang career na pagiging number 1 at pangalawa matapos ang kanta nilang “Save Your Tears” noong 2021.
Pinasalamatan ni Grande ang kaniyang mga fans dahil sa pagtangkilik sa mga kanta nito.