Tiniyak ng Energy Regulatory Commission (ERC) na iimbestigahan nitong mabuti ang naging reklamo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa Malacañang kaugnay sa paglabag sa safety standard ng Panay Electric Co. (PECO).
Ayon kay ERC Spokesman Atty Rexie Digal dadaan sa due process ang reklamo laban sa PECO subalit kung mapapatunayan na nagpapabaya ang kumpanya sa kanilang serbisyo ay maaaring kanselahin ang kanilang provisional certificate of public convenience and necessity (CPCN).
Noong nakaraang Miyerkules ay sinimulan na ng ERC ang imbestigasyon nito kung saan unang sumalang sa pagtatanong ang Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa naganap na siyam na magkakasunud na sunug sa mga poste ng PECO sa pagitan ng Oktubre 19 at 21 na nagdulot ng mga blackout.
Naobliga na umano si Treñas na sa Malacañang na ipinaabot ang reklamo sa PECO upang agad itong maaksyunan, nangangamba ang alkalde sa magkakasunud na insidente ng sunug na maaaring mauwi pa sa mas malaking aberya.
“While the attention of PECO had been repeatedly called (by the Office of the City Mayor) to address the (complaints), the city is still plagued by the same problems,” base sa reklalmo ni Treñas sa Malacañang.
Sinabi ni Treñas na may disciplinary powers ang ERC laban sa mga reklamo sa PECO sa ilalim ng
Republic Alct No. 9136 o Electricity Power Industry Reform Act (EPIRA).
Samantala, pinasisilip din sa ERC ni More Electric and Power Corp(MEPC) President Roel Castro ang posibleng pananabotahe ng PECO para mapigilan ang full transition ng pagtakeover ng MEPC sa distribution service ng kumpanya.
Ang PECO ay nag-o-operate na lamang sa bisa ng inisyung temporary CPCN ng ERC matapos na hindi irenew ng Kongreso ang legislative franchise nito matapos ang may 95 taong operasyon dahil na rin sa reklamo ng mga consumers sa kanilang lumang mga distribution system gaya ng tabinging mga electric poles, nakalaylay na electricity lines, over-billing na tumataas ng hanggang 1,000 porsiyento at palpak na customer service.
Ang CPCN ay inisyu ng ERC para masigurong hindi maantala ang pagbibigay ng kuryente sa may 65,000 consumers ng PECO habang isiinasagawa ng ang dalawang taon na transition period para tuluyang mailipat ng PECO sa MEPC ang operasyon nito.
ñ