Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang ash emission at 38 na pagyanig sa paligid ng Bulkang Kanlaon sa loob lamang ng nakalipas na 24 oras.
Ayon sa ulat nitong Martes, tumagal ng 29 minuto ang pagbuga ng abo na umabot sa 1,200 meter ang taas. Umabot din sa 1,609 tonelada ang inilabas na sulfur dioxide ng bulkan.
Isang volcanic tremor ang kabilang sa 38 lindol ang naitala ng Phivocs, at nananatiling naka-inflate ang edifice ng bulkan — isang senyales ng patuloy na aktibidad sa ilalim ng lupa.
Una narito nanatili parin ang Alert Level 3 status ng Bulkang Kanlaon, na nangangahulugang may mataas na antas ng volcanic unrest.
Samanala nagbabala naman ang Phivolcs laban sa posibleng biglaang pagsabog, pag-ulan ng abo, pyroclastic density currents, at pagguho ng lahar kapag umulan nang malakas.
Maalalang pinayagan na ang daytime entry (6 a.m. hanggang 4 p.m.) sa extended 6-kilometer danger zone simula noong Mayo 31.
Gayunpaman, mariing nirerekomenda pa rin ng Phivolcs ang agarang paglikas sa loob ng 6-kilometrong radius mula sa tuktok ng bulkan at pagbabawal sa anumang pagsasagawa ng aktibidad malapit dito.