-- Advertisements --

Patay ang kandidato sa pagka-senador sa Nigeria ilang araw bago ang halalan.

Lulan ng kaniyang sasakyan si Labour Party candidate Oyibo Chukwu ng ito ay inatake ng mga armadong suspek sa southeaster Enugu State.

Hinala ng mga kapartido nito na kagagawan umano ng kanilang kalaban sa pulitika ang insidente.

Isasagawa naman sa susunod na mga araw ang national election sa Nigeria kung saan mas pina-igting ng mga otoridad ang kanilang pagbabantay.