-- Advertisements --

Kinoronahan ang pambato ng Brazil na si Isabella Menin bilang 2022 Miss Grand International.

Sa ginanap na coronation night sa Sentul International Convention Center sa Bogor Regency, West Java, Indonesia, ay nangibabaw si Menin sa ibang mga contestants.

Nakuha naman ni Miss Thailand Engfa Waraha ang first-runner up habang second runner-up si Miss Grand Indonesia Andina Julie, 3rd runner-up si Miss Grand Venezuela Luiseth Materán, at fourth runner-up si Miss Grand Czech Republic Mariana Becková.

Nagtapos lamang sa top 20 ang pambato ng bansa na si Roberta Tamondong.

Sa simula pa lamang ay itinuturing na crowd favorite na ang pambato na Brazil.

Nakapasok sa final 10 ang mga pambato ng Vietnam, Honduras, Nigeria, Denmark, United Kingdom, Dominican Republic, Mexico, Paraguay, Curacao, at Peru.