-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang tiwala ng kampo ni US President Donald Trump na muli itong magwawagi sa pagkapangulo ng US.

Ayon kay Matt Morgan ang campaign general counsel ni Trump na hindi pa tapos ang halalan.

Ang maling projection na panalo na si Joe Biden ay resulta sa apat na estado na lubhang malayo sa final results.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng paglaki ng kalamangan ng katunggali ni Trump na si Democratic presidential Joe Biden sa pangunahing battleground state ng Pennsylvania.