-- Advertisements --
image 115

Naghain ang kampo ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag ng counter-affidavit sa kaso laban sa kaniya kaugnay sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at middleman at inmate na si Jun Villamor.

Ang abogado ni Bantag na so Atty. Rocky Thomas Balisong ang nagsumite ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw.

Dumalo din ang abogado ng pamilya Mabasa na si Atty Ronald Renta sa pagdinig sa imbestigasyon ng DOJ sa Lapid-Villamor slay case.

Magugunita na una ng humiling ng motion for reconsideration ang kampo ni Bantag na humihiling para sa paglilipat sa Office of the Ombudsman ng preliminary investigation sa dalawang murder complaints sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor.

-- Advertisement --

Subalit ibinasura ng panel of prosecutors ng DOJ ang naturang mosyon.