-- Advertisements --
Wala pa ring inilalabas na pahayag ang kampo ni Senator Cynthia Villar sa pagkalat ng video nito na pinapagalitan ang security guard na naglagay ng harang sa bahagi ng kalsada ng Las Piñas.
Naganap ang insidente malapit sa Zapote River Drive sa isa sa mga pangunahing proyekto ng mga Vilalr na kanilang inilunsad noong 2021.
Sa nasabing video ay makikita ang paghawak ng senador sa braso ng guardiya at pilit na pinapatanggal ang mga nakalagay na harang.
Makikita rin sa video na mayroong mga namagitan na kapulisan sa nasabing lugar.
Umani naman ng magkakahalong reaksyon mula sa publiko ang nasabing video.