-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpahayag ngayon ng suporta ang kampo ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang isinampang petition to cancel sa certificate of candidacy (COC) sa kanyang ka-tandem na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon pa kay Liloan Municipal Mayor Christina Frasco, tagapagsalita ni Mayor Inday, ang nasabing desisyon ay isang oportunidad para sa mga Filipino na ipahayag ang kanilang kagustuhan para sa patas at malayang eleksiyon.

Sa panig naman ng mga Marcos ang nasabi umanong hakbang ay paglabag sa konstitusyon.

Kung maalala, nasa likod ng paghain sa nasabing pestisyon sina Fr. Christian Buenafe ng Task Force Detainees of the Philippines, Fides Lim sa Kapatid, Ma. Edeliza Hernandez ng Medical Action Group, Celia Lagman Sevilla sa Families of Victims of Involuntary Disappearance, Roland Vibal ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates, at Josephine Lascano ng Balay Rehabilitation Center na ibinasura ng komisyon dahil sa misrepresentation.

Sa gitna nito, nahaharap pa rin ang Presidential aspirant sa tatlo pang mga petisyon para sa disqualifications na inihain sa Comelec First Division.
Kung maalala, magka-tandem sina Mayor Inday Inday at Bongbong Marcos sa eleksiyon sa buwan ng Mayo nitong taon.