-- Advertisements --

Sisikapin ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pagpasa ng mga panukalang batas na makakatulong sa pagbangon ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, pauna pa lamang ang pag-apruba nila sa P4.5-trillion proposed 2021 national budget sa ilang priority legislation ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakadisenyo para sa paglago ng ekonomiya ng bansa at matugunan ang epekto ng pandemya.

Totoo aniyang naging malaking hamon ang kasalukuyang taon dahil sa COVID-19 pandemic, kung saan marami ang nawalan ng trabaho at mahal sa buhay.

Pero may liwanag aniya sa dulo ng lagusan, at sinisikap nilang makamit ang mithiin na ito.

“As your House Speaker, I assure our countrymen that we will do all we can to get us all back to our feet and experience the joy we all once had before this pandemic,” ani Velasco.

Mensahe pa ni Velasco sa publiko, kasama sila sa Kongreso sa pagsalubong ng Pasko na hawak ang bagong pag-asa at pangarap.