-- Advertisements --

Hindi nagbabago ang target ng mababang kapulungan ng Kongreso na aprubahan ang P4.5-trillion proposed 2021 national budget.

Sa kabila ng matinding girian sa term-sharing agreement sa speakership post, sinabi ni House Committee on Appropriations chairman Eric Yap na sa Oktubre 14 pa rin ang target nilang aprubahan ang panukalang pambansang pondo para sa susunod.

Ito ay para maisumite nila ang approved version ng House Bill 7727 o 2021 General Appropriations Act sa Senado bago ang kanilang Undas Break sa October 17.

Sa katunayan, sinabi ni Yap na tatapusin nila ang debate sa budget sa darating na Biyernes.

Kaagad naman aniya itong isasalang sa period of amendments para maaprubahan na ito sa ikalawang pagbasa.