-- Advertisements --

Pinagtibay ng House of Representatives ang House Resolution No. 1691 na nagpapa-abot ng pakikiramay sa pamilya ni Rep. Elpidio “ Pidi” Barzaga Jr., lone district ng Dasmarinas City, Cavite.

Pumanaw si Cong. Barzaga nuong April 27,2024 sa California sa Amerika sa edad na 74-anyos.

Ang asawa ni Cong Pidi ay si Dasmarinas Mayor Jennifer Austria- Barzaga mayruon silang dalawang anak sina Francisco Elpidio III at Lorenzo.

Matapos pinagtibay ang nasabing resolution, bilang respeto ng Kamara sa namayapang mambabatas maaga nag-adjourn ang sesyon.

Una ng inihayag ni Speaker Martin Romualdez na malaking kawalan si Cong. Pidi sa Kamara.

Ang resolusyon ay inakda ni Speaker Martin Romualdez at iba pang mga mambabatas.

Si Barzaga ay naging Chairperson ng Committee on Natural Resources, Vice-Chairperson ng Committee on Cooperatives Development, Games and Amusements, Legislative Franchise, at Suffrage and Electoral Reforms.

Samantala, inihayag ni Speaker Martin Romualdez na ginagawan na ng paraan para maiuwi pabalik ng bansa ang labi ni Cong. Barzaga.

Ayon kay Speaker sila ay nalulungkot sa pagpanaw ng beteranong mambabatas na kanilang nalalapitan at mahingan ng mga legal na advice.